UPIS Batch 1992


A more interactive way for the alumni students of UPIS Batch 92 to keep in touch. Spread the word!

Saturday, January 13

Y A H O O !



Sa mga hindi nakapanuod ng oblation run dito sa UP nung nakaraang pasko, heto at may film clip akong nakuha sa isa nating ka-batch na nanuod at nagdala pa ng kamerang kaya kumuha ng bidyo. Hindi si cvsantos ang nagtake ng bidyo dahil wala sya sa bansa nung mga panahon na ito (disclaimer agad!). Isang kabatch natin (babae din) ang kumuha ng bidyo na ito at pinakita sa ibang mga kaklase natin dahil ayon kay amateur videographer, isa sa ating batchmates ay, bagama't ilang taon na ang nakaraan mula ng tayo ay nagsipagtapos ng kolehiyo, ay kasama sa mga magigiting na lalakeng tumakbo nung Disyembre! Nalaman nya na *siya* ito dahil sa kanyang boses (ayan! madaldal kasi! tatakbo ka na nga lang ng hubo't hubad magsasalita ka pa!). B U K I N G !

Panuorin ang film clip at sa bandang 1:00 minute, ANDUN CYA! HULAAN NINYO NA LANG KUNG SINO SIYA!

NGA PALA, NAGBALIK NA tag-board natin! (yehey yehey) Inalis ko na yung old message board na, ayon kay mekol, ay mabagal mag load kaya pirming may double posting. Kaya ... tadaan!!! Ayan na siya. Tatry ko na maging masigasig na blog admin dahil si blog admin 2 (yes, dalawa po kami) eh busy busy na din sa kanya na trabaho.

Happy New Year Sa LAHAT!


Posted by batch 92 :: 7:41 AM :: 0 comments

Post a Comment

---------------oOo---------------